ANG
KARANASAN KO BILANG ISANG STREET SWEEPER
Maaga palang ay handa
na ako para simulan ang aming nakatakdang paglilinis sa kalsada sa kung saan
may maraming tao ang dumadaan. Kung isipin masaya siyang gawin at madali lang
ang pagwawalis. Nagtanong ako sa kung saan kami pewde makipag-usap para sa aming
nakatakdang tungkulin para sa araw na ito. Nakausap ko si kuya na sa capitolyo
nagtratrabaho siya ang nagturo samin kung kanino kami makikipag-ugnyan sa aming
tungkulin. At ipanaalam ko kung para saan ang aming gagwin.
Nakausap ko si ate na nakatakdang maglinis sa araw na yun. Sinabi namin kong bakit namin siya papalitan sa araw ng kanyang paglilinis. At pumayag naman
siya. Dahil sa sobrang saya ko hindi ko manlang natanong ang pangalan ni ate.
Tanghali
na nung nag-umpisa ako sa aking pagwawalis. Noong una ay madali lang siya, pero
habang tumatagal ay nakararamdam ako ng pagod. Dahil sa mabigat ung walis na
gamit ko ay marami ding kalat ang nasa paligid na parang walang katapusang
pagwawalis ang kailangan kung gawin. Pinagpapawisan na ako pero hindi pa rin
ako nangangalahati sa ginagawa ko. Hindi ko rin maiwasan yumuko kapag may
dumadaang mga tao. May nararamdaman akong hiya. Hindi ko maiwasan iyuko ang
aking ulo tuwing titingin sila sa akin. May mag aswang nagtanong sakin kung
bakit daw ako naglilinis, may nilabag ba daw akong batas at may ginagawa akong
community service. Hindi ko sila masisisi kung bakit nila natanong yun, kasi dahil sa
kulay ko at sa itsura ko ay hindi mu ako mapgkakamalang taga walis sa daan.
Hindi
ako makatingin sa kanila habang kinakausap nila ako. Ngumingiti nalang ako
tuwing may nagtatanong sakin. Hindi pala masayang maging taga walis. Naiisip ko
na hindi madali ang ginagawa ng mga street sweeper. Dahil sa maraming kalat sa paligid hindi ko lam kung
kakayanin ko ang ganitong trabaho. Hindi dapat tayo nagkakalat sa mga pampublikong lugar. Kahit alam natin na may naatasang maglilinis sa lugar nayun ay dapat
maging disiplinado tayo kasi hindi natin nararanasan ang hirap na tinitiis ng mga
taong street sweeper. Habang nakikita ko ang mga kalat sa paligid ay may inis
akong nararamdaman sa mga taong patuloy na nagkakalat sa palagid. Naisip ko
kung ang mga Pilipino ay may disiplina, ay hindi na natin kailngan ng mga
street sweeper. Para sakin Masaya akong naranasan ko ang ganitong experience,
dahil dito ay nagging mas disiplinado ako pagdating sa mga kalat na aking
tinatapon sa kalye. Nakatulong ito sakin para maging isang malinis na
mamamayang Pilipino. HAbang matatapos na
ako ay kinuha ko ang aking pandakot pero pagbalik ko ay naabtan ko si kuya na
winawalis niya yug mga ibang nakakalat sa daan. May mga tao pa palang handing tumulong
sayo kahit sino kappa kahit anu pa ang itsura mu. Natuwa ako sa ginagawa ni
kuya, kahit walis ant pandakot lang ang hawak ko ay may handing magbigay ng
tulong sayo. Naibsan ang pagod na naramdaman ko, kakaibang saya ang naramdaman
ko. Kahit papano may mga taong kayang mag-abot ng kanilang tulong. Ang karanasang ito ay hinding hindi ko malilimutan. Salamt kay sir kasi narealize ko na may mga bagay tayo na pewde nating gawin na hindi inakala na magagagawa natin.