Sabado, Oktubre 11, 2014

ANG KAHIRAPANG DULOT SA PILIPINAS



Sinasabing ang pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba mahirap ang bansang Pilipinas? Sino ngaba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o tayo? Ang kahirapang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Ayun sa ating Pangulo na si Benigno Aquino III na susugpuin nya ang matinding kahirapan na nararanasan sa bansa na bahagi ng kanyang ipinangakong “tuwid na daan’. Masasabi ba nating nabigo nanaman ang mga pangako ng mga pulitiko patungkol sa kahirapan ng mga Pilipino?. Ang bansang pilipinas ay hindi pa rin nakalalaya sa kahirapan na sumisira sa bawat isa. Ang kahirapang ito ay isa sa mga problema ng ating bansa. Ang kahirapan nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara  sa isang malagim na epidemya na kumakalat sa buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na hinahanapan ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam.




Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat na ito ay konektado sa isa’t-isa.  Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng pilipinas. Kung ating titingnan ang kalagayan ng mga mag aaral, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na  maghanap ng trabaho o di kayanama’y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. DAhil sa mataas na matrikula sa kolehiyo nawawlan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho. DAhil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho. Ang ilan naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.



Nakakatawa mang isipin pero yun naman talaga ang nangayayari. Dahil sa kawalan ng trabaho ang iba ay nag-aasawa ng maaga ang ilan namay maagang nabubuntis. DAhil sa pagiging iresponsable ng ilang magulang, napapabayaan nila ang kanilang mga anak. Ito’y nagpapatunay na ang kawalan ng trabaho ay nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon na siyang nagiging bunga ng kahirapan. Habang lumalaki ang bilang ng populasyon ay may mas malaking posibilidad na lumalaki rin ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa. Anu ba ang dapat gawin ng pamahalaan? May magagawa ba sila sa lumalalng kahirapan sa bansa kung mismo ang nasa pamahalaan ang nagiging dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino. Dahil sa malaking usapan hinggil sa pork barrel ang malaking tanong sa isip ng mga Pilipino ay kung saan napunta ang pera? Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng ilan sa mgapulitiko para sa sarili nilang interes. Dahil sa mga kawatang mga pulitiko ay lalong naghihirap ang mga Pilipino. Dahil sa korupsyon lalong tumataas ang kahirapan sa pilipinas.


Malaki ang nagiging epekto ng ganitong epedimya sa ating bansa. Ang epidemya ng kahirapan ay malaking suliranin ng ating bansa. Sa panunungkulan ni dating NCRPO Chief Alan Purisima, tumaas umano ang krimen at nagkaroon ng tinatawag na "crime wave" sa maynila. DAhil sa kawalan ng edukasyon wala silang kakayahan maghanap ng magandang trabaho. Eto ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ag bilang ng krimen sa bansa. DAhil sa kahirapan sa buhay mas pinipili ng ilan na magnakaw, at pumatay para may maipakain lng sa kanilang pamilya.   Ang problema sa kagutuman ay mauugat sa problema sa kahirapan na  resulta ng kawalan ng trabaho at kakula­ngan ng trabaho.  At ito ang dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang bilang ng mga dumaranas ng kagutuman, kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa. Sa  patuloy ng pagtaas ng mga bilihin ng lahat ng uri ng pangangailangan ng tao sa buhay ay mas lalong naghihirap ang mga mamayang Pilipino.



Sakin pananaw ay makikita natin na wala pa ring pag-unlad ang bansang pilipinas. Kung walang pagbabago ang bansang pilipinas, bakit hindi natin eto simulan sa ating mga sarili. Kung hahayaan natin na daigin na lamang tayo ng kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng pagkatao mayroon tayo, hindi malayong tayo ay maging mga alipin ng kahirapan. Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka sa kahirap at nagnanais na makaahon mula rito. Ang kahirapan ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay hinaharap at nilalabanan. Tuluyan tayong magiging malaya kung patuloy tayong magsisikap na makaahon sa kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng mangyari. Siyempre  kung naghahangad tayo ng pagbabago, nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa ibang tao.


Linggo, Setyembre 14, 2014



ANG KARANASAN KO BILANG ISANG STREET SWEEPER

            Maaga palang ay handa na ako para simulan ang aming nakatakdang paglilinis sa kalsada sa kung saan may maraming tao ang dumadaan. Kung isipin masaya siyang gawin at madali lang ang pagwawalis. Nagtanong ako sa kung saan kami pewde makipag-usap para sa aming nakatakdang tungkulin para sa araw na ito. Nakausap ko si kuya na sa capitolyo nagtratrabaho siya ang nagturo samin kung kanino kami makikipag-ugnyan sa aming tungkulin. At  ipanaalam ko kung para saan ang aming gagwin. Nakausap ko si ate na nakatakdang maglinis sa araw na yun. Sinabi namin kong bakit namin siya papalitan sa araw ng kanyang paglilinis. At pumayag naman siya. Dahil sa sobrang saya ko hindi ko manlang natanong ang pangalan ni ate.
            Tanghali na nung nag-umpisa ako sa aking pagwawalis. Noong una ay madali lang siya, pero habang tumatagal ay nakararamdam ako ng pagod. Dahil sa mabigat ung walis na gamit ko ay marami ding kalat ang nasa paligid na parang walang katapusang pagwawalis ang kailangan kung gawin. Pinagpapawisan na ako pero hindi pa rin ako nangangalahati sa ginagawa ko. Hindi ko rin maiwasan yumuko kapag may dumadaang mga tao. May nararamdaman akong hiya. Hindi ko maiwasan iyuko ang aking ulo tuwing titingin sila sa akin. May mag aswang nagtanong sakin kung bakit daw ako naglilinis, may nilabag ba daw akong batas at may ginagawa akong community service. Hindi ko sila masisisi  kung bakit nila natanong yun, kasi dahil sa kulay ko at sa itsura ko ay hindi mu ako mapgkakamalang taga walis sa daan.

            Hindi ako makatingin sa kanila habang kinakausap nila ako. Ngumingiti nalang ako tuwing may nagtatanong sakin. Hindi pala masayang maging taga walis. Naiisip ko na hindi madali ang ginagawa ng mga street sweeper. Dahil sa  maraming kalat sa paligid hindi ko lam kung kakayanin ko ang ganitong trabaho. Hindi dapat tayo nagkakalat sa mga pampublikong lugar. Kahit alam natin na may naatasang maglilinis sa lugar nayun ay dapat maging disiplinado tayo kasi hindi natin nararanasan ang hirap na tinitiis ng mga taong street sweeper. Habang nakikita ko ang mga kalat sa paligid ay may inis akong nararamdaman sa mga taong patuloy na nagkakalat sa palagid. Naisip ko kung ang mga Pilipino ay may disiplina, ay hindi na natin kailngan ng mga street sweeper. Para sakin Masaya akong naranasan ko ang ganitong experience, dahil dito ay nagging mas disiplinado ako pagdating sa mga kalat na aking tinatapon sa kalye. Nakatulong ito sakin para maging isang malinis na mamamayang Pilipino.  HAbang matatapos na ako ay kinuha ko ang aking pandakot pero pagbalik ko ay naabtan ko si kuya na winawalis niya yug mga ibang nakakalat sa daan. May mga tao pa palang handing tumulong sayo kahit sino kappa kahit anu pa ang itsura mu. Natuwa ako sa ginagawa ni kuya, kahit walis ant pandakot lang ang hawak ko ay may handing magbigay ng tulong sayo. Naibsan ang pagod na naramdaman ko, kakaibang saya ang naramdaman ko. Kahit papano may mga taong kayang mag-abot ng kanilang tulong. Ang karanasang ito ay hinding hindi ko malilimutan. Salamt kay sir kasi narealize ko na may mga bagay tayo na pewde nating gawin na hindi inakala na magagagawa natin.