Sinasabing ang pilipinas ay isa sa mahirap
na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba mahirap ang bansang Pilipinas? Sino ngaba
ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o
tayo? Ang kahirapang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Ayun sa
ating Pangulo na si Benigno Aquino III na susugpuin nya ang matinding kahirapan
na nararanasan sa bansa na bahagi ng kanyang ipinangakong “tuwid na daan’.
Masasabi ba nating nabigo nanaman ang mga pangako ng mga pulitiko patungkol sa kahirapan
ng mga Pilipino?. Ang bansang pilipinas ay hindi pa rin nakalalaya sa kahirapan
na sumisira sa bawat isa. Ang kahirapang ito ay isa sa mga problema ng ating
bansa. Ang kahirapan nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara sa isang malagim na epidemya na kumakalat sa
buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na
hinahanapan ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam.
Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga
Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa
edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat
na ito ay konektado sa isa’t-isa. Ang
kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng
pilipinas. Kung ating titingnan ang kalagayan ng mga mag aaral, sampu sa mga
estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok
sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa
matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag aaral na nararaasan nila, nagiging
sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na maghanap ng trabaho o di kayanama’y huminto
na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang
lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may
kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. DAhil sa mataas na matrikula sa
kolehiyo nawawlan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa
kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng
kakulangan sa trabaho. DAhil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din
ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho. Ang ilan
naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di
tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing
ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang
trabaho o tinatawag na “unemployed”. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga
walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging
nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging
pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon
sa Pilipinas.
Nakakatawa mang isipin pero yun naman
talaga ang nangayayari. Dahil sa kawalan ng trabaho ang iba ay nag-aasawa ng
maaga ang ilan namay maagang nabubuntis. DAhil sa pagiging iresponsable ng
ilang magulang, napapabayaan nila ang kanilang mga anak. Ito’y nagpapatunay na ang
kawalan ng trabaho ay nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon na siyang
nagiging bunga ng kahirapan. Habang lumalaki ang bilang ng populasyon ay may
mas malaking posibilidad na lumalaki rin ang bilang ng mga mahihirap sa ating
bansa. Anu ba ang dapat gawin ng pamahalaan? May magagawa ba sila sa lumalalng
kahirapan sa bansa kung mismo ang nasa pamahalaan ang nagiging dahilan ng
paghihirap ng mga Pilipino. Dahil sa malaking usapan hinggil sa pork barrel ang
malaking tanong sa isip ng mga Pilipino ay kung saan napunta ang pera? Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng
buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng ilan sa mgapulitiko para sa sarili
nilang interes. Dahil sa mga kawatang mga pulitiko ay lalong naghihirap ang mga
Pilipino. Dahil sa korupsyon lalong tumataas ang kahirapan sa pilipinas.
Malaki ang nagiging epekto ng ganitong
epedimya sa ating bansa. Ang epidemya ng kahirapan ay malaking suliranin ng
ating bansa. Sa panunungkulan ni dating NCRPO Chief Alan Purisima, tumaas umano
ang krimen at nagkaroon ng tinatawag na "crime wave" sa maynila.
DAhil sa kawalan ng edukasyon wala silang kakayahan maghanap ng magandang
trabaho. Eto ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ag bilang ng krimen sa
bansa. DAhil sa kahirapan sa buhay mas pinipili ng ilan na magnakaw, at pumatay
para may maipakain lng sa kanilang pamilya.
Ang problema sa kagutuman ay
mauugat sa problema sa kahirapan na resulta ng kawalan ng trabaho at kakulangan
ng trabaho. At ito ang dahilan kung
bakit patuloy na dumarami ang bilang ng mga dumaranas ng kagutuman, kahirapan
at kawalan ng trabaho sa bansa. Sa patuloy ng pagtaas ng mga bilihin ng lahat ng
uri ng pangangailangan ng tao sa buhay ay mas lalong naghihirap ang mga
mamayang Pilipino.
Sakin pananaw ay makikita natin na wala pa
ring pag-unlad ang bansang pilipinas. Kung walang pagbabago ang bansang
pilipinas, bakit hindi natin eto simulan sa ating mga sarili. Kung hahayaan
natin na daigin na lamang tayo ng kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng
pagkatao mayroon tayo, hindi malayong tayo ay maging mga alipin ng kahirapan.
Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka sa kahirap at nagnanais na makaahon
mula rito. Ang kahirapan ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay
hinaharap at nilalabanan. Tuluyan tayong magiging malaya kung patuloy tayong magsisikap
na makaahon sa kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng
mangyari. Siyempre kung naghahangad tayo
ng pagbabago, nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa
ibang tao.
MATINDING PROBLEMA PA RIN ANG CORRUPTION SA PILIPINAS. HANGGANG KAILAN MAGHIHIRAP ANG TAONG BAYAN. ANG KRIMENG ITO AY DAPAT IPAGLABAN SA TAONG BAYAN.
TumugonBurahinelijan scott m. dela cruz
Sana makabuo ang gobyerno ng istratihiya para ma tapos na ang problema sa kahirapan Sakit.info
TumugonBurahinItanong ko lang po kung ano po ang apelyido ninyo, kailangan ko lang po sa citation.
TumugonBurahinItanong ko lang po kung ano po ang apelyido ninyo, kailangan ko lang po sa citation.
TumugonBurahinCasino Review for December 2021: Get a 100% deposit match
TumugonBurahinPlay Online Slots 사천 출장마사지 from the best provider 성남 출장안마 at Jammin' Jars. ✓ Get your bonus 아산 출장샵 now ✓ Play slots 청주 출장마사지 with 안산 출장마사지 Jars Casino ✓ Get a 200% deposit match!